biotek
Philippines
policy
biotechnology
bioteknolohiya
applied biotech research
institutional capacity building
information education
communication
PhilRice
Administrative order no. 8
Ang pagpapatuloy ng tagumpay ng Biotek ng Pinoy ay nakasalalay sa kabuuan ng DA Biotek Program, sa masusing pag-uugnay ng apat na mahahalagang sangkap nito para sa lapat at angkop na mga panuntunan (policy), mabilis at mainam na pagpapatupad ng mga patakaran at mga alituntunin (institutional capability), kaagapay din ang sariling husay at kakayanan sa biotek (applied biotech research), at higit sa lahat, ang sustinidong gawaing pang-impormasyon at pang-edukasyon para sa pinakamalawak na hanay ng mamamayang Pilipino (information education and communication). "Kumpletos rekados" na para sa lubos na paggamit sa mga pamamaraan ng bioteknolohiya sa pagsasaka. Sa pamamagitan ng DA Biotek Program, sa pamamahala ng Program Implementation Unit, at ng kaakibat na husay ng pamumuno ng Undersecretary for Policy and Planning ng Kagawaran ng Pagsasaka, walang pangarap na hindi naabot ng lubos na pagsisikap.